atsára

Fiestas, Festivals, pilgrimage, Panay, legends, folklore

 

 

Karaniwang tinatawag na atsára ang pampalasa na gawa sa ginadgad na muràng papaya at ibinabad sa sukà. Ga-yunman, ang pinagmulan nitóng atchara sa Español ay anumang gulay na ibinabad sa sukà at isang prosesong katulad ng pickle sa Ingles. Ang atsára ay itinuturing na mainam na pampalasa sa inihaw o pritong pagkain, lalo na barbikyu.

 

Ang nakagarapong atsara ay binubuo ng ginadgad na muràng papaya, hiniwang carrot, binalatang mga liha ng bawang, at mga piraso ng luya, sibuyas, at siling puking-gan. May nagdadagdag ng pampatamis na pasas at pinya. Para mas tumapang, dinadagdagan pa ng paminta. Sakâ ibinababad sa solusyong sukà, asukal o sirup, at asin sa loob ng isang garapong mahigpit ang pagkakatakip sa loob ng ilang araw. Kapag bi-nuksan, kailangang itago ang atsara sa loob ng palamigan upang manatili ang lasa at hindi lubhang umasim.

 

May  popular  ding atsarang labóng ng kawayan. Ang totoo, katumbas na ngayon ang atsara ng gamit nitó sa Español, gaya sa atsarang pipino, atsarang talong, at iba pang gulay. (VSA)

Cite this article as: atsára. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/atsara/