Atí-Atíhan

Fiestas, Festivals, pilgrimage, Panay, legends, folklore

 

 

Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ika-lawang linggo ng En-ero sa Kalibo, Aklan at sinusundan ng gayund-ing pagdiriwang sa ka-lapit bayan ng Ibajay, Aklan. Ito ay karani-wang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebra-syon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Jesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na ka-suotan, ang mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”

 

Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwa-laang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Bor-neo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat.

 

Upang higit na sumigla, itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ bahagi ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batàng Jesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskara-han” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IPC)

Cite this article as: Atí-Atíhan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ati-atihan/