asukaréra

sugar, industry, agriculture, hacienda, Philippine Economy

 

 

Ang asukaréra ay isang pabrika sa paggawa ng asukal. Ka-raniwang bahagi ng isang asukarera ang taniman ng tubó, imbakan ng iba’t ibang anyo at produkto na mula sa tubó, at mga makinarya sa pagproseso ng asukal. Ang mga asu-karera ay bunga ng paglaki ng pangangailangan sa asukal sa pandaigdigang pamilihan nitóng ika-19 siglo. Ang mga dáting asyendang taniman ng palay o mais ay ginawang mga plantasyon ng tubó. Maraming asendero sa Negros ang higit pang yumaman dahil sa malakas na pagluluwas ng asukal. Sa kabilang bandá, ang asukarera at ang mataas na tore ng pagawaan ng asukal ay nagmistulang simbolo ng kariwasaan sa gitna ng malawak na plantasyon at naghahar-ing karalitaan sa paligid.

 

Ang malubhang pagsa-samantala sa mga mag-sasaka, ang mapang-al-iping relasyon ng asen-dero at ng mga mang-gagawa sa asukarera, at iba pang kalupitan sa ti-natawag na “sakáda” ay naging maalingasngas nang maiulat sa mga pag-aaral at artikulo noong dekada 60. Sa kabilâ ng reporma sa lupa at ng malimit na pagbag-sak ng presyo ng asukal ay hindi naglahò ang mga hindi makatarungang pamamalakad sa mga asukarera.

 

Matatagpuan ang mga asukarera, na naging malakas sa hulíng bahagi ng pananakop ng mga Español at sa pana-hon ng pananakop ng mga Americano, sa Gitnang Luzon at Kanlurang Kabisayaan. Isang halimbawa ng asukarera ay ang Central Azucarera de Tarlac na makikita sa loob ng Luisita Agro-Industrial Complex sa San Miguel, Tarlac. Naging kontrobersiyal ang asukarerang ito dahil sa pag-tanggal ng pamunuan sa mga lider ng unyon na humi-hingi ng reporma sa pagpapasahod. (MJTC)

Cite this article as: asukaréra. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/asukarera/