asotéa

architecture, Noli me Tangere, plants, Philippine Architecture, ancestral houses

 

 

 

Ang asotéa, o azotea sa Español, ay isang balkonahe likod o gilid ng bahay-na-bato na karaniwang yari sa bato o kong-kreto. Maaaring malapad o maliit ito depende sa lapad din ng ba-hay. Ginagamit itong pahingahan hábang nakatunghay sa malaking bakuran. Binabakuran din ito ng bato o kongkreto at nilalagyan ng mga palamuti tulad ng mga ornamental na halaman. Karaniwang kailangan munang pumapasok sa loob ng ikalawang palapag ng bahay upang marating ang asotea. Ngunit may mga bahay-na-bato na may hiwalay na hagdan patungo sa asotea. May mga asotea na may bútas para sa pagsalok sa balon sa ibabâ at katabi ng kusina at labahan.

 

Maraming silbi ang asotea. Bukod sa pahingahan, gi-nagamit itong pook kainan lalo’t mainit ang panahon. Ginagamit din ito sa maliliit na pulong. Isang magan-dang tagpo sa Noli me tangere ang kabanatang “Suyuan sa Asotea.” Sa nobela, sa asotea nag-usap sina Ibarra at Maria Clara upang magkasarilinan at hindi marinig ng iba ang kanilang pag-uusap. Kadarating ni Ibarra mula sa matagal na pag-aaral sa Europa at halata ang pananabik ng mag-kasintahan sa isa’t isa. Sa nabanggit ding asotea naganap ang hulíng pag-uusap ng dalawa sa nobela dahil papatakas si Ibarra pagkatapos mabilanggo. (MJCT)

Cite this article as: asotéa. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/asotea/