asín

salt, cuisine, cooking, food preservation

 

 

Putîng-putî at pinong butil na mineral ang asín at kara-niwang nagbibigay lasa sa mga pagkaing iniluluto o sa mga pagkaing prutas man o gulay na kinakain nang hilaw katu-lad ng manga, bayabas, pipino, pinya, at iba pa. Mahalagang sangkap ang asin sa preserbasyon ng mga karne, halimbawa sa pagtatapa; ng mga isda, halimbawa sa pagdadaeng; ng mga gulay, halimbawa sa pag-aatsara; at ng mga itlog, halimbawa sa paggawa ng itlog na maalat. Sa mga kat-utubong kultura sa Cordil-lera, mahalaga ang asin sa bundok sa pagprepreserba ng karne na tinatawag nilang “etág.

 

May siyentipikong panga-lan na sodium chloride sa Ingles, ang asin ay natural na elemento ng tubig alat. Sa Dasol (mula sa pinag-sámang da (Eng ‘the’) sol (Esp ‘salt’), ang lugar ng industriya ng asin sa Pangasinan, maraming salt marshes, mga bahagi sa pampang sa tabing dagat na maraming tubig alat at dinadaanan sa prosesong salinasyon upang maihiwalay ang asin sa tubig alat. Sa ngayon, ang prosesong ito ay pinapabuti pa sa pamamagi-tan ng paghahalò ng yodo (iodine) sa asin. Mas kilalá sa tawag na iodized salt, ito ang gamot o panlaban sa buklaw o bosyo, isang sakít kapag lumalaki ang thyroid glands sa leeg. (PGD)

Cite this article as: asín. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/asin/