arikenkén
dances, traditional dances
Isang matandang tradisyo-nal na sayaw ng mga Ilo-kano ang arikenkén. Sa ibang bahagi ng Hilagang Luzon, tinatawag itong “pan-dánggo.” Malimit na tuwing pista isinasagawa ang ariken-ken sa harap ng maraming manonood.
Sa sayaw na ito, isang pares na lalaki at babae ang tila gumagawa ng pagpapakahulugan sa naririnig niláng sinasabi ng awit na “dállot.” Naghahabulan ang lalaki at babae sa entablado batay sa takbo at daloy ng ibinabahaging berso. Walang tiyak na kilos sa pagsasayaw ng arikenken maliban sa ginagawang pang-aakit ng babae at ang pagtatangkang makuha ng lal-aki ang panyong nakasabit sa balikat ng babae. Nagiging katatawanan ito sa mga tagapanood kapag nahihirapan ang lalaki na makuha ang babae o kung malayòng-ma-layò ang interepretasyon ng mga mananayaw sa bersong pinakikinggan. (SJ)