aníto

ancient customs, beliefs, customs, Religious Syncretism, Folk Christianity, folklore, spirituality, Ancient Philippines

 

 

Aníto ang tawag sa sinau-nang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng ka-likásan na sinasamba ng mga Filipino noong araw. Itinuturing na mabub-uting espiritu, ang mga anito ay nagsisilbing tag-apagtanggol laban sa ma-sasamâng espiritu sa lawas ng kagubatan. Itinuturing rin sila ng ilang grupong etniko na tagapangalaga ng kalikásan at bantay o kawal ng mga di-binyagan.

 

Laganap ang mga anito sa mga agrikultural na pamayanan ng Luzon. Kalimitang nag-aalay sa mga anito ng pagkain o atang at iba pang bagay ang mga tao para magkaroon sila ng masagana at payapang pamumuhay. Ang mga ani-to ay maaaring katawanin ng anumang bagay: imaheng kawangis ng tao na yari sa kahoy, isang pirasong kahoy, inukit na bato o maaari ring bagay na hindi nahihipo o nakikita tulad ng hangin, liwanag at dilim, o isang tinig.

 

Nang dumating ang mga Español at ipinakilála ang Kris-tiyanismo, nahalinhan ang mga anito ng pagsamba sa Di-yos at iba pang mga santo. Gayunman, masasabing ang ilang paniniwala kaugnay ng anito ay maaaring nagpatu-loy hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, may ilang Fili-pinong iskolar na naglarawan sa relihiyong ipinakilála ng mga Español na isinapraktika ng mga Filipino bilang Folk Christianity. (JCN)

Cite this article as: aníto. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/anito/