amor propio
values, ethics, morality, customs, Spanish Influence, beliefs
Isang hálagáhan ang amor propio (a·mór próp·yo) na dahil sa pangalang Es-pañol ay agad masasabing pamana ng kolonyalis-mong Español. Maisasalin itong “pag-ibig sa dangal” at nangangahulugan ng pag-iingat sa sariling ka-rangalan o pagkakaroon ng paggálang sa sarili. Ti-natawag din itong orgullo (or·gúl·yo) at dignidád sa España. Ang pagpapahal-aga sa sariling dangal ay nakatutulong upang mag-ingat sa pagkilos at pagsasalita ang isang tao. Nagdudulot din ito ng disiplina sa sarili. Nagsisikap siyáng magtagumpay sa pag-aaral, palig-sahan, at anumang gawain, ibinubuhos ang talino’t pana-hon upang umunlad dahil sa lunggating igálang ng kapu-wa. Umiiwas din siyáng magkasála dahil sa amor propio.
Ngunit maaari din itong magdulot ng sobrang pagmamahal sa sarili, na nauuwi sa pagiging arogante at abusado. Dahil sa labis na pagpaparangalan sa talino o yaman o posisyon sa lipunan ay nagiging sanhi ang amor propio ng pagmamataas, kawalan ng malasakit sa pangangailan- gan ng kapuwa, at labis na paghahanap ng papuri mula sa ibang tao. Maraming gulo o away ang nangyayari dahil sa hindi diumano iginálang na “reputasyon.” May mga tao namang nagpapakamatay dahil “nasira” ang puri. Nag-bubunga ang lisyang amor propio ng korupsiyon. May umaabuso, ginagamit ang kapangyarihan upang manda-has ng kapuwa, dahil “nalasing” sa tinamasang awtoridad.
May malaking kaugnayan ang amor propio sa katutubong “hiyâ”—na isang hálagáhang may maganda at may pangit na mukha. Mabuti ang hiya kung mauuwi sa disiplina sa sarili. Masamâ ang hiya kung pabalat-bunga lang at pag-tatanggol ng sarili kahit nagkamalî. Ang sobrang amor propio ang kabaligtaran ng kababaang-loob. Ayaw nitóng tumanggap ng anumang puna at itinuturing na panini-rang-puri ang kahit wasto at mapagmalasakit na pagsu-suri ng iba. Aayaw ito sa trabahong pisikal at mababà ang puwesto kahit kailangan. Ipagkakaila nitó ang sakít dahil ayaw mapagtsismisan. Ito ang katwiran kayâ sinasabi ng maraming sosyologo na hadlang sa kaunlaran ng mga Fili-pino ang sobrang amor propio. (VSA)