Ambuklao Dam
hydroelectric plant, dam, infrastructure, energy, electricity, Benguet
Ang Ambuklao Dam (Am·buk·láw Dam) ay malaking dam na matatagpuan sa kabundukan ng Bokod, Benguet, 36 km mula sa Lungsod Baguio. Bahagi ito ng Ambuklao Hydroelectric Plant, na gumagamit sa Ilog Agno upang makalikha ng koryente. Bukod dito, tumutulong ang dam na kontrolin ang pagbahâ tuwing tag-ulan. Ang Ambu-klao Reservoir na naiipon ng dam ay ginagamit bílang iri-gasyon para sa mga sakahan sa Pangasinan.
Ang Ambuklao Dam ang pinakamataas at pinakamalaking dam sa buong Silangang Asia noong dekada 50. Mayroon itong taas na 129 m at habàng 452 m. Ang kalsada sa itaas ng dam ay may elebasyong 756 m. Káya nitóng humawak ng hanggang 327,170,000 metro kubikong tubig. Pagkagawa, nag-ambag ang dam ng 75 megawatt ng koryente para sa bu-ong Luzon; pagkatapos paunlarin noong 2010, umakyat ito sa 105 me-gawatt.
Sinimulan ng Natio-nal Power Corporation (Napocor) ang pag-aaral para sa pagtatayô ng dam sa Ilog Agno noong 1948 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Manuel A. Roxas. Nagsimula ang paggawa sa dam noong Hulyo 1950 sa pamahalaan ni Pangulong Elpidio R. Quirino. Ang planta sa Ambuklao ang naging unang pangunahing proyekto ng Napocor. Ang Guy F. Atkinson Company ang nagsilbing contractor, at ang Harza Engineering Company ng Chi-cago ang nagsilbing engineering consultant. Pagkatapos ng mahigit anim na taóng konstruksiyon, pinaandar sa un-ang pagkakataón ang planta noong 23 Disyembre 1956, sa panahon ni Pangulong Ramon F. Magsaysay. (PKJ)