ambáhan
poetry, literature, Ancient Customs, customs, traditions
Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang ambáhan bílang isa sa mga sinaunang anyo ng pag-tula ng mga Bisaya. Walang dagdag na impormasyon si Alcina. Ngunit naging popular ngayon ang am-báhan dahil kay Antoon Postma at sa kaniyang saliksik sa buhay at kul-tura ng Hanunoo Mangyan sa Min-doro. Naglabas pa ng isang aklat na koleksiyon ng mga tulang Mangyan si Postma (muling nalathala 1981). Alinsunod sa paliwanag at mga halimbawang tula, ang ambáhan ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin ang bawat taludtod.
Regular ding may tug-ma ang bawat dalawang magkasunod na taludtod, baga-man walang tiyak na bílang ng taludtod ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding tiyak na bílang ng mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang taludtod ngunit may ambáhang umaabot sa 20 taludtod. Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon, mula sa ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà:
Kaw danga maglumi Huwag ka ngang umiyak
Kita madnugan kuti Bakâ magising ang pusa
Kuti gin sa siyangi Pusang mula pa sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi Ngumiyaw at mag-ingay
Kita ud may ibawi Wala kitang pambugaw
Kantam bangkaw nabari Sibat natin ay nabali
Kita utak nalumbi. Itak natin ay nabingaw.
Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig. Hitik ito sa talinghaga, gaya ng sumusunod:
Tigday na nawa naw-an Ang tabak kung bago pa
Tigdayan sa daramgan Ikiskis sa hasaan
Bag-o tigday sa kaywan Itaga sa kakahuyan
Siyan nga panmanlangan At sakâ ito subukan
Sa kiling sa kawayan. Sa pagkayas ng kawayan.
Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa lipunan. (VSA)