almirés
cooking, food
Hango sa wikang Español, ang almirés (o almeres) ay isang gamit sa kusina na pinagdidikdi-kan ng mga sangkap sa pagkain o mga rekado na katulad ng paminta at bawang. Kayâ “dikdíkan” ang kat-utubong tawag sa kasangkapang ito na karaniwang gawa sa bato, kahoy, o tanso. Sa mas komersiyalistang layunin, fiberglass ang ginagamit para sa mas matagalang paggamit.
Sa itsura, ang almires ay kahawig ng lusóng (sa sinau-nang Tagalog) o alsóng (sa Ilokano) na gamit kapag nagbabayó ng palay o mais .Sa sukat at laki, ang almires ang maliit at dahil na rin para ito sa mas maliit na kan-tidad ng dinidikdik.
Sa kasalukuyan, marami nang gamit ang almires para sa iba’t ibang pangangailangan. Para sa matatanda, ang almires ay mahalagang gamit nilá para sa paggawa ng kanilang ngangà. Para naman sa isang mahilig magluto, ang almires ay maluwag na rin niyang gamit pandikdik sa manî bílang rekado ng lumpiang sariwa, sa iba’t ibang dahon na pantimpla sa mga ulam, at pati na sa kung ano-anong buto na nanaisin niyang madurog bago lutuin. Para sa isang malikhaing tao, gamit niya ang almires para durugin ang mga bagay-bagay na materyales niya para sa pagbuo ng isang mosaic o sining na multimedia. (PGD)