Álim

Epics, folklore, Ifugao, mythology

 

 

Ang Álim ang isa sa dalawang epi-kong-bayan ng mga Ifugaw. Isa itong epikong panreli-hiyon na inaawit kapag may namatay o kapag mayroong may sakit sa pami-lya. Inaawit din ang Alim kapag inila-lagay ang hagabi o ang bul-ul sa taha-nan ng mga Ifugaw. Kasabay ng pag-awit ng Alim ay ang pag-daraos ng kanyaw.

 

 

Nagsisimula ang epikong-bayan sa panahong masagana ang pamumuhay ng mga tao. Nakakukuha ng pagkain ang mga tao kailanman nilá ito naisin at naibibigay ng ka-likásan ang kanilang nais. Ngunit dahil sa pagmamalabis ng tao, nagalit ang mga diyos. Nagkaroon ng malaking bahâ at namatay ang lahat ng tao, maliban kay Bugan na umakyat sa Bundok Kalawitan. Nang humupa ang bahâ, inakala ni Bugan na siyá na lámang ang natirang tao. Sa kaniyang paghahanap ng makakain, kaniyang natagpuan na buháy rin ang kaniyang kapatid na si Wigan. Mag-kasáma siláng naghanap ng makakain. Tumira silá sa tabi ng ilog upang mas madalî siláng makakuha ng pagkain. Ilang araw ang lumipas, nalaman ni Wigan na nagdada-lang-tao siyá. Nagpunta si Bugan sa tabing-ilog upang magpakamatay dahil sa kahihiyan na nabuntis niyá ang kapatid. Ngunit, nagpakita ang diyos na si Makanungan upang pigilin siyá. Ikinasal ni Makanungan ang dalawa at nagkaroon ng siyam na anak. Nagkaroon ng taggutom sa kanilang lugar. Nag-alay ang mag-asawa ng dagâ upang matigil ang kahirapan ngunit hindi pa rin nawala ang taggutom. Ipinasiya ng mag-asawa na ialay ang kanilang bunsong anak na si Igon. Hindi natuwa si Makanungan sa ginawa ng mag-asawa. Bílang parusa, kaniyang ipinaghi-walay ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng kalupaan at isinumpang mag-aaway silá sa tuwing magkakatagpo. (SJ)

Cite this article as: Álim. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/aliguyon/