alampáy

fashion, textiles, weaves

 

 

Ang alampáy isang balabal o piraso ng damit na isi-nasampay sa balikat o ipi-napatong sa isa pang damit sa may bandáng balikat. Kilalá rin ang alampay bí-lang ablay sa Waray, alikboy sa Bikol, baksa sa Sinau-nang Tagalog, baliog sa Aklanon, kagay sa Ilokano, at kulibengbeng sa Panga-sinan. Maaaring gawa sa iba’t ibang tela ang alampay

 

ngunit madalas na gawa sa himaymay ng pinya ang ipina-pares upang higit na maging marangya ang baro’t sáya o terno ng kababaihan. Sa katunayan, kabilang ang alampay sa apat na bahagi ng isang terno; ang tatlo pa ay ang ka-misa, sáya, at tapis.

 

Ngunit nagsimula ang alampay bílang praktikal na bahagi ng kasuotan. Isinasampay ito sa balikat upang protek-tahan ito sa lamig. Kapag totoong malakas ang hangin, ang alampay ay ibinabálot sa paligid ng leeg at hanggang sa ibabâng bahagi ng mukha. May nakahandang piraso ng damit ang mga magsasaka at manggagawa na pala-giang nakasampay na tila alampay sa kanilang balikat na ginagamit upang ipampunas ng pawis at ipansanggalang sa init o usok. Sa kasalukuyan, ang kulay at disenyo ng alampay ay ginagamit na simbolo ng ilang lider at aktibi-sta upang ipakatawan ang kanilang paninindigang pam-politika at isyung ipinaglalaban. (MJCT)

 

Cite this article as: alampáy. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/alampay/