águng

gong, music, traditional music, traditional instruments

 

 

Ang águng, na kilalá rin sa pangalang “blowon,” “bua,” “gaggung,”  at  “sembakung,” ay isang pares ng nakasabit na

gong. Ito ay may bilóg na umbok sa gitnang bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikita ang agung sa katimugang bahagi ng Filipinas—Palawan, Mindoro, Mindanao, at mga isla ng Sulu. Kinabibilangan din ng Bagobo, Bukidnon, Hanunuo, Higaonon, Magin-danaw, Mëranaw, Mandaya, Manobo, Mansaka, Matig-salog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli, Tëduray, Tagbanua, at Yakan ang mga pangkating Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong ito.

 

Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng “gimbal,” isang uri ng tambol, hábang nanggaga-mot ang mga babaeng babaylan. Ang gawaing ito ay halaw sa Tagbanwa ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang mokninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng kilaláng mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung.

 

May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na “tembag” na hindi tinutugtog ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng may-ari nitó. Malaking porsiyento nitó ay gawa sa tingga at maliit lá-mang na bahagi ang tanso. Ang “benegulitok” ay katulad ng tembaga ngunit mas magaan. Tinutugtog ito kasáma ng gong na tinatawag na “sembakung.” Ang “blowon” na-man ang pinakamagaan at pinakamakinis na gong.

 

Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit. Nakasabit ang pares ng agung at magka-harap ang umbok ng mga ito. Sa pagtugtog, hábang pinu-pukpok ng mga patpat ng isang musiko ang dalawang umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ang mga instrumento. Dalawa ang ritmong lum-alabas dito, ang mabilis na “binalinsay” at ang mabagal na “dinulut.” Ang tugtog na ito ay idinaraos sa sayaw ng kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasayahan matapos ang anihan na tinatawag na “pan-ludan.” Bukod sa mga agung, ang iba pang instrumen-tong maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, at mga patpat na perkusyon.

 

Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulu-gang tono ng gong. At agung din ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa “tangunggu.” (RCN)

Cite this article as: águng. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/agung/