ádat

beliefs, morality, values, ethics, religious syncretism, ancient customs

 

 

Ang ádat sa wikang Arabe ay “kau-galian.” Sa mga pan-gkating Muslim sa Filipinas, ito ang ka-buuan ng di-nakasu-lat na mga hálagáhan at pamantayan ng asal at kilos sa lipu-nan. May ádat ukol sa tradisyonal na pa-nanamit. May ádat hinggil sa paraan ng paglutas ng usaping panlipunan. Maraming ritwal sa iba’t ibang aspekto ng búhay ang ginagawa pa ng mga Filipinong Muslim dahil sa sinaunang kaugalian. Halimbawa pa, sa mga Tausug sa Lungsod ng Zamboanga, ang salitâng ádat ay karani-wang ginagamit sa “pang-adatan pangalay” (kinaugaliang sayaw), “pang-adatan pagkawin” (banal na gawain na ginagawa tuwing kasal), “malingkat adat” (magandang pag-uugali) at “mangi adat” (masamâng pag-uugali).

 

Ang kalipunan ng mga tradisyonal na adat at ang batas sha-riah batay sa Koran ang magkasámang umiiral sa búhay ng mga Muslim. Dahil mula pa sa kaugalian bago dumating ang Islam sa Filipinas, ang adat ang itinuturing na patu-nay ng singkretikong pananampalataya ng mga Filipinong Muslim. May mga pagbabawal ito na gaya ng hindi dapat gamitin sa pagkain ang kamay na ipinanghuhugas sa pu-wit at hindi nangangailangan ng parusang pisikal. Ngunit may mga pagbabawal na gaya ng hinggil sa pakikiapid at pakikipagtalik bago ikasal na pinapatawan ng mabigat na parusa. Sa matagal na panahon ng pagpapairal, nagkaroon ang adat ng regularidad sa paraan ng paglalapat ng parusa. Naitatag ang kapangyarihan ng “sarah” (sinasabing hango sa Arabeng shariah o batas), karaniwang itinuturing na matandang pinunò ng komunidad, bilang tagapayo at tagapagpairal ng batas adat. Nahihirang namang pinunò ang isang tao batay sa kaniyang karunungan, kakayahang maglider, at personalidad. (RBT)

 

 

Cite this article as: ádat. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/adat/