Home > Talas Journal > ANG KATUTUBONG KAALAMAN NG MGA MANGYAN AT ANG PAGLAPAT NITO SA INDIGENOUS PEOPLES’ CORE CURRICULUM
in Cultural Education
ANG KATUTUBONG KAALAMAN NG MGA MANGYAN AT ANG PAGLAPAT NITO SA INDIGENOUS PEOPLES’ CORE CURRICULUM
University of the Philippines – Diliman
Abstract
Ang bawat etnolinguwistikong grupo sa Mindoro ay may sari-sariling kultura’t paniniwala. Ang kultura’t paniniwalang ito ay hindi na lamang naging basehan sa kanilang pagkakakilanlan, ginamit at ginagamit na rin ito sa kanilang edukasyon. Ang proyektong Towards Education Rights of the Mangyan ng Plan International-San Jose ay naglalayon na ilapit ang edukasyong tumutugon sa pangangailangan ng mga katutubo. Ang pangangailangang ito ay tinutugunan ng mga kasanyang nakabalangkas sa Indigenous Peoples Core Curriculum. Sa pamamagitan ng paggamit ng curriculum na nabanggit, ang kultura’t paniniwala ang siyang ginamit upang ipalapit ang edukasyon sa kanila.
Layon ng papel na matalakay ang iba’t ibang estratehiyang ginawa ng proyekto upang makabuo ng isang lokalisadong kurikulum para sa mga katutubong nasa Mindoro. Sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga estratehiya, tinukoy at ginamit ang material culture, wika, paniniwala’t kaugalian ng pitong etnolinguwistikong grupo ng Mindoro sa edukasyon. Nakapaloob sa edukasyong ito ang kaalamang pang-agham at matematika, kaalamang pang-agrikultura, at kaalamang pangkomunikasyon. Ipapakita ang ilang halimbawa ng texto at kaalamang pangkatuto (learning materials). Huli, magmumungkahi ang papel ng ilang hakbang upang mapalakas ang ugnayan ng edukasyon at kultura hindi lamang upang mapakintal ang kakanyahan ng iba’t ibang etnolinguwistikong grupo sa bansa kung hindi mapakita rin ang pagkakapareho nating mga Pilipino.
About the Author
Schedar D. Jocson has a PhD in Translations at the University of the Philippines Diliman where he teaches at the Department of Filipino and Philippine Literature. In 2011 he was cited by Southeast Asian Ministers of Education Organization – Innovation and Technology as one of the most innovative teachers in Southeast Asia.